German Bean Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ¼ tasa puting kidney beans
½ kutsara mantika
¼ tasa tinadtad na bacon
½ tasa hiniwang pakuwadradong sibuyas
8 tasa sabaw ng manok
¼ tasa hiniwang pakuwadradong carrot
¼ tasa hiniwang pakuwadradong celery
1 piraso cervelat sausage o frankfurter, hiniwa
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang beans sa tubig ng magdamag.
  2. Hugasan at patuluin.
  3. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bacon.
  4. Isama ang sibuyas at sangkutsahin.
  5. Ibuhos ang sabaw ng manok.
  6. Pakuluin at idagdag ang carrots, celery at beans.
  7. Isama ang sausage o frankfurter.
  8. Timplahan ayon sa panlasa.
  9. Lutuin pa ng 15 minuto.