Fruit Meringue

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ tasa asukal
½ tasa tubig
½ tasa puti ng itlog
1 kutsarita cream of tartar
1 lata pinatamis na cream
1 maliit na lata fruit cocktail

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa init na 250°F.
  2. Pahiran ng shortening ang dalawang baking sheets at takpan ng wax paper.
  3. Itabi.
  4. Sa isang maliit na kaserola, pakuluin ang asukal at tubig hanggang malapot na malapot.
  5. Sa hiwalay na mangkok, batihin ng mixer and puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
  6. Maingat na ibuhos ang mainit na syrup habang tuloy-tuloy na binabati hanggang stiff peaks stage.
  7. Maghulog ng tig-iisang kutsarang merengge sa hinandang baking pan.
  8. Marahang idiin ang kutsara sa gitna ng merengge para lumalim ang gitna nito.
  9. Lutuin sa oven hanggang matuyo at lumutong.
  10. Palamigin.
  11. Lagyan ng pinatamis na cream ang gitna ng merengge at palamutian ng mga hiniwang prutas.