Fruit Compote

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 piraso mansanas, hiniwang pakuwadrado
¼ piraso sariwang pinya, hiniwang pakuwadrado
1 piraso maliit na melon, hiniwang pakuwadrado
½ piraso maliit na pakwan, hiniwang pakuwadrado
1 piraso orange, binalatan at niliha
1 piraso mangga, hiniwang pakuwadrado
1 piraso maliit na honeydew, hiniwang pakuwadrado
2 tasa arnibal
¼ tasa katas ng lemon

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Paghaluin lahat ng mga prutas.
  2. Isama ang arnibal at katas ng lemon.
  3. Haluin at palamigin bago ihain.