French Onion Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ kutsara mantika
¼ kilo sibuyas, hiniwa
8 tasa beef consomme
½ kutsarita dinurog na paminta
1 piraso dahon ng laurel
1 kutsarita asin
8 hiwa French bread
1 tasa ginadgad na Parmesan cheese

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika at papulahin ang mga sibuyas.
  2. Ibuhos ang consomme at pakuluin.
  3. Hinaan ang apoy.
  4. Timplahan ng paminta, laurel at asin.
  5. Isalang sa mahinang apoy ng isang oras.
  6. Paibabawan ng keso ang tinapay.
  7. Tustahin sa oven hanggang lumutong.
  8. Magsandok ng mainit na sabaw sa mga mangkok.
  9. Paibabawan ng tinapay.