French Fries

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

6 piraso malalaking patatas
4 tasa canola o vegetable oil (pamprito)
1 kutsara asin

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan ang patatas. Hiwain ito ng tig-¼ pulgada.
  2. Ibabad ito sa isang mangkok na may tubig at yelo sa loob ng 30 minuto.
  3. Sa isang malaking kaserola, magpainit ng canola o vegetable oil.
  4. Prituhin ang patatas hanggang sa ito’y lumutong.
  5. Hanguin at salain ang sobrang mantika sa paper towel.
  6. Muling ibalik sa mas mainit na mantika ang patatas.
  7. Ito’y mainam na paraan upang maging malutong at lalong sumarap ang french fries.
  8. Isawsaw sa garlic dip o thousand island dressing.