Fish Kebab

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ tasa sour cream
1 kutsarita turmeric
½ kutsarita paprika
¼ tasa katas ng lemon
1 kutsarita asin
1 kutsarita pamintang puti
1 ½ kilo fish fillet, hiniwang pakuwadrado
2 piraso sibuyas, hiniwang pakuwadrado
2 piraso siling pula, hiniwang pakuwadrado
2 piraso siling berde, hiniwang pakuwadrado
20 piraso button mushrooms

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Paghaluin ang sour cream, turmeric, paprika, katas ng lemon, asin at paminta.
  2. Isama ang isda at haluing maigi.
  3. Ibabad ng magdamag sa repridyerator para lumasa.
  4. Ihulog ng salit-salit sa barbecue sticks ang isda at mga gulay.
  5. Ihawin hanggang maluto.