Fish Fillet with Basil Cream Sauce

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 piraso fish fillet (180 gramo ang bawat isa)
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 piraso lemon
2 tasa harina
½ tasa clarified butter
¼ tasa mantikilya
1 tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa white wine
½ tasa brown sauce
1 tasa fish veloute
1 kutsara tinadtad na sariwang basil
½ tasa cream


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang isda ng asin, paminta at katas ng lemon.
  2. Isantabi ng ilang minuto.
  3. Tuyuin ang isda ng paper towels.
  4. Pabalutan ng harina at pagkatapos ay iprito sa clarified butter.
  5. Painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  6. Isama ang white wine at Iutuin hanggang mangalahati.
  7. Isama ang brown sauce, fish veloute at basil.
  8. Lutuin ng 5 minuto.
  9. Timplahan.
  10. Ihalo ang cream.
  11. Huwag hayaang kumulo.
  12. Paibabawan ng sauce ang isda baga ihain.