Fish Burger Patties

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo giniling na laman ng isda
3 piraso itlog
1 kutsara katas ng lemon
1 kutsarita liquid seasoning
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
½ tasa mantikang pamprito

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, paghaluin ang mga sangkap maliban sa mantika.
  2. Haluing maigi at kortehing mga bilog o nabilog na patties.
  3. Painitin ang mantika at iprito ang mga patties hanggang pumula.