El Filibusterismo/Kabanata 37 : Ang Hiwagaan

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Iba-iba ang naging kuro-kuro ng mga tao sa pangyayari lalo na nang malamang ang buong kabahayan pala ni Don Timoteo ay puno ng pulbura sa bubong, sahig, mga mesa at silya.

Iniisip nilang posibleng mortal na kaaway ng Don o kaya’y mahigpit na karibal ni Juanito ang nagplano ng lahat. Ngunit hindi rin nakaligtas sa kanila na posibleng ang mag-aalahas na si Simoun na kaibigan ng Kapitan Heneral at kasosyo pa ni Don Timoteo ang salarin.

Ayon kay Chichoy, na siyang nagkuwento kina Kapitan Toringgoy at Kapitana Loleng, at tumatayong bangkero sa kwentuhan ni Simoun ang pinaghihinalaan dahil matapos niyang sindihan ang lamparang handog ay para itong bulang nawala.

Nadagdagan pa ang kanilang hinala nang maalalang madalas ay amoy-asupre at kinakitaan din ng bughaw na apot ang bahay nito.

Samantala, hindi pa rin nila maisip kung sino ang magnanakaw na agad kumuha ng lampara. May mga nagsasabing isa raw Espanyol, ang iba’y Tsino at para sa iba ay isang Indyo.

Maya-maya ay nagsalita si Isagani at sinabing kailanman ay masamang kumuha ng hindi pag-aari kahit daw bayaran pa siya ng kahit anong halaga at hindi tatanggapin para gumanap ng ganoong trabaho. Nagpatuloy ang mga tao sa pagbibigay ng kuro-kuro at muling sinabi na ang mag-aalahas ay parang may tagabulag na kung minsan ay nariyan at maya-maya ay nawawala.

Bago umalis, ipinasiya ni Isagani na maglingkod na lamang sa pinakamamahal na amain.