El Filibusterismo/Kabanata 24 : Mga Pangarap

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez.


Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung bakit ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nagtatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kung ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang kamag-aral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy lang naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.