El Filibusterismo/Kabanata 08 : Maligayang Pasko

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito. Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang. Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.