Eggs Mornay

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 kutsara mantikilya
2 kutsara arina
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
2 tasa gatas
1/3 tasa ginadgad na keso
8 piraso itlog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa maliit na kaserola, painitin ang manrikilya.
  2. Idagdag ang arina, asin at paminta.
  3. Batihin para matanggal ang buo-buo.
  4. Dahan-dahang ibuhos ang gatas.
  5. Batihing maigi at lutuin hanggang lumapot.
  6. Ihalo ang keso.
  7. Maglagay ng tig-kakalahating dami ng nalutong sarsa sa mga custard cups.
  8. Magbiyak ng itlog sa bawat tasa.
  9. Punuan ng nalalabing sarsa hanggang halos mapuno.
  10. Lutuin sa oven sa init na 400°F ng 15 minuto o hanggang mabuo.