Deviled Eggs

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

6 buo itlog
2 kutsara mayonesa
1 ¼ kutsarita mustard
1 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa nang manipis na pahaba (alisin ang puting bahagi)
1 tasa parsley, tinadtad
½ kutsarita pamintang durog
½ kutsarita asin
paprika

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ilaga ang itlog.
  2. Kapag malapit nang kumulo ang tubig, maingat na paikutin ang itlog gamit ang sandok.
  3. Ang paghalo ng itlog ay upang mailagay sa gitna ang pula nito.
  4. Pagkaraan ng 8 minuto, hanguin ang itlog at palamigin sa isang tabi.
  5. Hatiin ang itlog sa gitna.
  6. Maingat na alisin ang pula ng itlog mula sa puti.
  7. Ilagay sa isang tabi ang puti.
  8. Sa isang mangkok, ilagay ang pula ng itlog at durugin.
  9. Ihalo ang mayonesa at mustard hanggang sa ito'y lumapot.
  10. Idagdag ang parsley at paprika.
  11. Timplahan ng asin at paminta.
  12. Kunin muli ang mga puti ng itlog.
  13. Gamit ang kutsarita o pastry bag, maingat na ilagay sa ibabaw ng puti ng itlog ang nagawang timpla.
  14. Budburan ng kaunting paminta.
  15. Ayusin sa isang plato bago ihain.