Creme Brulee

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

3 tasa cream
6 pula ng itlog
tasa asukal
1 kutsarita vanilla
½ tasa brown sugar

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, painitin ang cream ngunit huwag pakuluin.
  2. Itabi.
  3. Sa mangkok, batihin ang pula ng itlog kasama ng asukal.
  4. Dahan-dahang ibuhos ang mainit na cream.
  5. Haluing maigi bago ibalik sa kaserola.
  6. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot.
  7. Ihalo ang vanilla.
  8. Isalin sa mga custard cups o maliliit na mangkok.
  9. Palamigin hanggang mabuo.
  10. Painitin ang broiler ng oven.
  11. Salain ang brown sugar sa ibabaw ng mga pinalamig na custard.
  12. Ilagay ang mga custard cups sa isang tray at ipasok sa mainit na oven.
  13. Lutuin hanggang matunaw ang asukal at mag-arnibal.
  14. Palamigin bago ihain.