Crema de Fruta

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

Cake[baguhin]

6 piraso itlog
¾ tasa asukal
1 ¼ tasa cake flour
¼ kutsarita asin
4 kutsarita tinunaw na mantikilya

Custard Filling[baguhin]

1 tasa asukal
tasa cake flour
2 ¾ tasa sariwang gatas
5 piraso pula ng itlog
1 kutsarita vanilla

Pang-ibabaw[baguhin]

1 lata fruit cocktail, pinatulo
2 kutsarita unflavored gelatin
2 tasa sabaw ng fruit cocktail o tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 325°F
  2. Sa mixer, batihin ang mga itlog hanggang maging maliliit ang bula.
  3. Idagdag ang asukal at batihin hanggang lumapot.
  4. Masinsing ihalo ang arina, asin at mantikilya.
  5. Ibuhos sa isang 13 x 9 x 2 inch oven proof glass dish.
  6. Isalang sa oven nang 15-20 minuto o hanggang maluto.
  7. Palamigin.
  8. Sa double boiler, paghaluin ang mga sangkap ng custard filling.
  9. Lutuin hanggang lumapot.
  10. Palamigin at ibuhos sa ibabaw ng cake.
  11. Iayos ang fruit cocktail sa ibabaw nito.
  12. Tunawin ang gelatin sa sabaw ng fruit cocktail o tubig.
  13. Isalang sa apoy para tuluyang matunaw.
  14. Palamigin ng bahagya at saka ibuhos sa cake.
  15. Itabi sa repridyerator para mabuo.