Cream of Leeks Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

5 tasa sabaw ng manok
4 tasa gatas
1 tasa hiniwang leeks
½ tasa tinadtad na herbs (gumamit ng 3 sa sumusunod: thyme, basil, oregano, tarragon o sage)
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
½ tasa white roux
1 kutsara tinadtad na parsley
1 tasa cream

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, paghaluin ang sabaw ng manok at gatas at pakuluin.
  2. Isama ang leeks at mga herbs.
  3. Timplahan.
  4. Isalang sa mahinang apoy ng 3-4 minuto.
  5. Alisin sa apoy at palamigin.
  6. Haluin at salain sa ibang kaserola.
  7. Pakuluin uli at pagkatapos ay palaputin ng white roux.
  8. Isalang sa mahinang apoy ng 10 minuto.
  9. Ihalo ang parsley at cream.