Cream of Beets Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ tasa hiniwang pakuwadradong nilagang beets
4 tasa gatas
5 tasa sabaw ng manok
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
½ tasa white roux
1 tasa cream
½ tasa tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Gilingin ang beets sa food processor o blender hanggang pumino.
  2. Itabi.
  3. Isalin ang gatas at sabaw sa isang kaserola.
  4. Pakuluin at ihalo ang giniling na beets.
  5. Hinaan ang apoy at timplahan ayon sa panlasa.
  6. Palaputin ng kaunting white roux.
  7. Lutuin pa ng 10 minuto sa mahinang apoy.
  8. Isama ang cream at tanggalin na sa apoy.
  9. Paibabawan ng parsley.