Crab and Corn Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

8 tasa sabaw ng isda
½ tasa laman ng alimasag
¾ tasa sariwang mais, tinanggal sa busal
1 tasa cornstarch na tinunaw sa kaunting tubig
2 puti ng itlog, binati
1 kutsara sesame oil
½ kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
½ tasa hiniwang leeks


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa kaserola, pakuluan ang sabaw ng isda.
  2. Isama ang alimasag at mais.
  3. Lutuin hanggang lumambot ang mais.
  4. Palaputin ang sabaw ng tinunaw na cornstarch.
  5. Ihulog ang puti ng itlog habang hinahalo ng tinidor.
  6. Timplahan ng sesame oil, asin at paminta. Paibabawan ng leeks.