Cold Cucumber Soup

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kilo pipino
2 kutsara mantikilya
1 tasa hiniwang sibuyas
8 tasa gatas
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 tasa ordinaryong yogurt
½ kutsara nutmeg
1 tasa cream
1 kutsarita tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan ang mga pipino.
  2. Hatiing pahaba at tanggalin ang mga buto.
  3. Hiwain sa maliliit na piraso.
  4. Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  5. lsama ang pipino at lutuin ng isang minuto.
  6. Ibuhos ang gatas.
  7. Lutuin sa mahinang apoy ng 5 minuto.
  8. Timplahan.
  9. Idagdag ang yogurt at nutmeg.
  10. Palamigin.
  11. Gilingin sa blender hanggang pumino.
  12. Salain.
  13. Isama ang cream.
  14. Palamigin sa repridyerator.
  15. Paibabawan ng parsley bago ihain ng malamig.