Chinese Mushroom Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

10 piraso tuyon malalaking mushrooms
10 tasa sabaw ng manok
½ tasa tinadtas na lutong spinach
½ tasa hiniwang lutong balun-balunan at atay ng manok
2 kutsarita toyo
½ kutsarita paminta
½ tasa hiniwang sibuyas na mura

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang mga mushroom sa tubig hanggang lumambot.
  2. Hanguin at tanggalin ang mga tangkay.
  3. Hiwaing manipis ang mga mushroom.
  4. Pakuluin ang sabaw.
  5. Ihulog ang mushrooms, spinach, balun-balunan at atay ng manok.
  6. Hinaan ang apoy.
  7. Timplahan ng toyo at paminta.
  8. Ibudbod ang sibuyas na mura sa ibabaw bago ihain.