Chilled Asparagus Soup

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa hiniwang sariwang asparagus
4 tasa malinis na tubig
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 kutsara mantikilya
2 kutsara arina
1 tasa cream
½ tasa tinustang almonds

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Lutuin ang asparagus sa tubig na tinimplahan ng asin at paminta.
  2. Paglambot ay hanguin.
  3. Ilagay sa blender kasama ng kaunting gatas o cream.
  4. Gilingin hanggang pumino.
  5. Painitin ang mantikilya at ihalo ang arina.
  6. Lutuin ng ilang minuto ngunit huwag papulahin.
  7. Ito ang white raux na gagamiting pampalapot ng sabaw.
  8. Pakuluin ang pinaglagaan ng asparagus.
  9. Palaputin ng sapat na white raux.
  10. Ihalo ang giniling na asparagus at lutuin ng 5 minuto.
  11. Isama ang cream at pagkatapos ay alisin sa apoy.
  12. Palamigin sa repridyerator.
  13. Ihaing malamig na malamig sa mga mangkok.
  14. Palamutian ng kaunting binating cream at almonds.