Chicharon

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo liempo ng baboy
1 piraso dahon ng laurel
1 piraso sibuyas
4 butil bawang
2 tasa mantika

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap.
  2. Lagyan ng katamtamang dami ng tubig. Takpan.
  3. Pakuluin hanggang ang liempo ay lumambot.
  4. Patiningin ang liempo at ilagay sa mahanging lugar hanggang sa matuyo.
  5. Hiwain ng maninipis (mga kalahating pulgada).
  6. Ilagay sa refrigerator magdamag.
  7. Lutuin ng lubog sa mantika.
  8. Ihaing may kasamang suka, dinikdik na bawang at siling labuyo.