Cheesecake

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

Crust[baguhin]

2 ½ tasa dinurog na graham crackers
4 kutsara asukal
¾ tasa tinunaw na mantikilya

Filling[baguhin]

1 ½ tasa cream cheese, pinalambot
½ tasa asukal
¼ kutsarita vanilla
2 piraso itlog


Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 350°F.
  2. Maghanda ng 8-inch na pie plate.
  3. Paghaluin ang graham crackers, asukal, at mantikilya.
  4. Isalin ito sa pie plate at idiin sa ilalim at gilid ng pan para maging crust.
  5. Itabi.
  6. Sa hiwalay na mangkok, batihin ang cream cheese hanggang lumambot bago ihalo ang asukal, vanilla, at mga itlog.
  7. Batihin hanggang pino.
  8. Isalin sa pie plate na may crust.
  9. Lutuin sa oven ng mga 25 minuto hanggang mabuo.
  10. Palamigin bago hiwain.