Cauliflower Polonaise

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ulo cauliflower
2 kutsara mantikilya
½ tasa breadcrumbs
2 piraso nilagang itlog, tinadtad
1 kutsara tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Linisin ang cauliflower at paghiwahiwalayin ang mga bulaklak nito.
  2. Banlian hanggang maluto.
  3. Patuluin at iayos sa pinggan.
  4. Sa kawali, painitin ang mantikilya at papulahin ang breadcrumbs.
  5. Isama ang itlog at parsley.
  6. Ibuhos sa ibabaw ng nalutong cauliflower.