Cardillo

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

1 kilo buong isda, hiniwa sa katamatamang laki
1 kutsarita asin
¼ tasa mantika
1 kutsarita dinikdik na bawang
1 piraso sibuyas, hiniwang pakuwadrado
2 piraso kamatis, hiniwang pakuwadrado
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
2 piraso itlog, bahagyang binati

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Lamasin sa asin ang isda.
  2. Iprito ang isda sa mainit na mantika.
  3. Hanguin.
  4. Sa hiwalay nakawali, magpainit ng kaunting mantika at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  5. Ibuhos ang tubig at timplahan.
  6. Pagkulo ay alisin sa apoy at ihalo ang binating itlog.
  7. Ibuhos sa ibabaw ng piniritong isda.