Candied Sweet Potato

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kilo kamote
2 tasa asukal
1 tasa tubig
½ tasa mantikilya
½ tasa katas ng 2 orange
hiniwang balat ng orange

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan ang mga kamote at hiwain ng pabilog.
  2. Banlian at salain.
  3. Iayos sa isang baking pan.
  4. Arnibalin ang asukal at tubig.
  5. Isama ang mantikilya, katas at ang balat ng orange.
  6. Ibuhos sa ibabaw ng kamote.
  7. Lutuin sa oven sa init na 325°F ng 20 minuto o hanggang lumambot.
  8. Maya't-maya ay pahiran ng arnibal ang ibabaw ng mga kamote.