Butterscotch Bars

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

2 piraso itlog
2 tasa brown sugar
1 kutsarita vanilla
½ tasa mantikilya, tinunaw
1 ½ tasa arina
2 kutsarita baking powder
¼ kutsarita asin
1 tasa tinadtad na kasuy

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 350°F.
  2. Pahiran ng shortening ang isang 13 x 9 inch na baking pan.
  3. Isantabi.
  4. Batihin ang mga itlog hanggang mabula.
  5. Ihalo ang asukal, vanilla at mantikilya.
  6. Batihing maigi.
  7. Pagsamahin ang arina, baking powder at asin.
  8. Ihalo sa binating mga sangkap kasama ng kasuy.
  9. Isalin sa hinandang pan at lutuin ng 25-30 minuto o hanggang mabuo.
  10. Palamigin bago hiwain.