Bukayo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 piraso kinudkod na niyog
2 dahon pandan
1 kilo asukal na pula
2 kutsara vanilla extract
2 tasa buko juice
½ tasa cornstarch
1 tasa tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sama-samang pakuluin ang buko juice, asukal at dahon ng pandan hanggang matunaw at maging malapot.
  2. Ilagay ang vanilla extract. Alisin ang dahon ng pandan.
  3. Iluto ang kinudkod na niyog sa may kawali na may konting mantika hanggang maging medyo mamula-mula ito.
  4. Ilagay ang syrup at palaputin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tinunaw na cornstarch sa tubig.
  5. Patuloy na haluin upang ang syrup ay kumalat ng mabuti sa kinudkod na niyog, palaputin at lutuin maigi ang bukayo.
  6. Kung luto na, isalin ang bukayo sa mangkok.
  7. Bilugin ng maliit habang mainit pa.