Breaded Fish with Tartar Sauce

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo fish fillet
¼ tasa katas ng lemon
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta pantimpla
½ tasa mantika pamprito
1 tasa arina
3 itlog, binati
1 ½ tasa breadcrumbs

Tartar Sauce[baguhin]

1 tasa mayonnaise
1 kutsara tinadtad na sibuyas
1 kutsara tinadtad na siling berde
1 kutsara tinadtad na siling pula
1 kutsara tinadtad na capers (kung nais)
1 kutsara pickle relish
1 piraso nilagang itlog, tinadtad

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hiwain ang isda sa mahahabang piraso.
  2. Timplahan ng katas ng lemon, asin at paminta.
  3. Painitin ang mantika.
  4. Balutan ang isda ng arina at ipagulong sa binating itlog.
  5. Pabalutan ng breadcrumbs.
  6. Prituhin sa mainit na mantika hanggang pumula.
  7. Paghaluin lahat ng sangkap para sa sarsa.
  8. Timplahan ayon sa panlasa.
  9. Ihain kasama ng piniritong isda.