Brazo de Mercedes

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Sangkap[baguhin]

Meringue[baguhin]

10 piraso puti ng itlog
1 kutsarita cream of tartar
1 tasa asukal

Palaman[baguhin]

10 piraso pula ng itlog
1 lata gatas kondensada
1 kutsarita vanilla
¼ kutsarita lemon extract

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 250°F.
  2. Pahiran ng mantika o shortening ang isang 14-inch square baking pan at sapinan ng brown paper.
  3. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang mabula.
  4. ldagdag ang cream of tartar at batihin hanggang soft peaks stage.
  5. Dahan-dahang ibuhos ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
  6. Ibuhos sa hinandang baking pan.
  7. Ihurno nang 30 minuto o hanggang maluto at pumula ang ibabaw.
  8. Sa double boiler, paghaluin ang mga sangkap ng palaman at lutuin hanggang lumapot.
  9. Maghanda nang isang putol ng brown paper.
  10. Budburan ng confectioners o powdered sugar.
  11. Ibaligtad dito ang nalutong meringue at tanggahn ang nakadikit na papel.
  12. Palamanan.
  13. Igulong na parang jelly roll.
  14. Maaring budburan uli ng confectioners sugar.