Binalot na Repolyo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 piraso kainamang laking repolyo
1 tasa giniling na baboy
½ tasa tinadtad na celery
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa tinadtad na siling berde
¼ tasa mantika
1 tasa kanin

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pasingawan ang repolyo hanggang sa madaling matanggal ang mga dahon.
  2. Igisa ang mga gulay (maliban sa repolyo) sa mantika hanggang sa maging malasado.
  3. Idagdag ang giniling na baboy at mga pampalasa.
  4. Hayaan sa di-kainitang apoy ng ilan pang minuto.
  5. Ihalo ito sa kanin.
  6. Haluing mabuti, lagyan ng ½ tasa ng nilutong ito ang bawa't dahon ng repolyo, tiklupin ang mga dulo at balutin.
  7. Ihanay ang binalot na repolyo sa lutuang panghurno at buhusan ng tomato sauce.
  8. Ihurno sa loob ng isang oras sa mahinang init ng hurno.