Binagol

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

¾ tasa kinudkod na hilaw na gabi
1 tasa gata ng niyog (galing sa 2 katamtamang niyog)
¾ tasa asukal na pula
4 buo katamtamang laki ng malinis na bao ng niyog (4 ½" diyametro ang bilog at 2" taas)
½ lata gatas kondensada

Paraan ng paggawa[baguhin]

  1. Pagsama-samahin at lutuin habang hinahalo ng 6 na minuto ang unang 3 sangkap sa katamtamang lakas ng apoy.
  2. Hinaan ang apoy at lutuin pa ito ng 10 minuto.
  3. Idagdag ang gatas kondensada at lutuin pa ng 20 minuto, ituloy ang paghahalo.
  4. Lagyan ng niluto ang mga malinis na bao, gumawa ng butas sa gitna ng niluto at ilagay doon ang pula ng itlog.
  5. Takpan ng masa na niluto ang ibabaw.
  6. Hangurin ang masa sa ibabaw ng bao hanggang sa maging patag ito.
  7. Takpan ng 2 patong ng dahon ng saging ang bao at talian ito ng mahigpit.
  8. Lutuin sa pasingawan ng kalahating oras.

12 piraso ang magagawa nito.