Bicol Express

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

4 tasa sili, tinanggalan ng buto at hiniwa
1 kutsara asin
2 tasa gata (pangalawang katas)
2 tasa sariwang alamang
¼ kilo liempo, hiniwang pakuwadrado
3 butil bawang, tinadtad
1 piraso katamtamang laki na sibuyas, tinadtad
1 kutsarita asin pantimpla
1 tasa kakang-gata

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang sili sa tubig na may asin.
  2. Itabi ito ng 30 minuto.
  3. Banlawan at patuluin.
  4. Sa kawali, pakuluin ang gata, alamang, liempo, bawang, sibuyas at asin.
  5. Hinaan ang apoy at lutuin ng 10 minuto.
  6. Idagdag ang sili at lutuin hanggang mawala ang kalahati ng sabaw.
  7. Ibuhos ang kakang-gata at hayaan itong magmantika.