Beef Stroganoff

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ kilo sirloin, hiniwang manipis
2 kutsara mantikilya
1 tasa hiniwang mushroom
2 piraso sibuyas, tinadtad
1 butil bawang, tinadtad
2 kutsara mantikilya
½ tasa tubig
1 piraso beef bouillon cube
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
1 tasa sour cream
½ kutsarita mustard

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantikilya sa kawali at igisa ang mushrooms, bawang at sibuyas. Isalin sa pinggan.
  2. Magdagdag ng mantikilya sa kawali. Iprito ang karne hanggang pumula.
  3. Idagdag ang tubig, bouillon cube at timplahan ayon sa panlasa.
  4. Hintaying kumulo at pagkatapos ay hinaan ang apoy.
  5. Takpan at palambutin ang karne.
  6. Ilagay ang ginisang mushrooms.
  7. Ibuhos ang sour cream at mustard.
  8. Painitin nang hindi kumukulo.
  9. Maaring ibuhos sa ibabaw ng mainit na kanin.