Beef Consomme

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

½ kilo giniling na baka
3 puti ng itlog
¼ tasa tomato paste
½ tasa tinadtad na sibuyas
½ tasa tinadtad na celery
½ tasa tinadtad na carrots
¼ tasa tinadtad na leeks
1 dahon laurel
½ kutsara dinurog na pamintang buo
½ kutsara tinadtad na dahon ng basil
½ kutsara tinadtad na oregano
½ kutsarita asin
12 tasa sabaw ng baka

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, paghaluin ang giniling, puti ng itlog, tomato paste, sihuyas, celery, carrots, leeks, laurel, paminta, basil, oregano at asin.
  2. Isalin sa kaserola kasama ng sabaw ng baka.
  3. Haluin hanggang kumulo.
  4. Hinaan ang apoy at isalang ng 2-3 minuto ng hindi hinahalo.
  5. Alisin sa apoy at palamigin.
  6. Salain sa katsa.
  7. Isalin sa malinis na kaserola at pakuluin uli.
  8. Timplahan ayon sa panlasa.
  9. Lutuin pa ng 5 minuto.