Batsoy

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

Noodle[baguhin]

2 tasa arina
¼ tasa tubig
1 kutsarita lihiya
1 kutsarita asin

Sabaw at ibang sangkap[baguhin]

1 kilo tadyang at buto-buto ng baboy
½ kilo pigi ng baboy
4 tasa tubig
½ kutsarita asin pantimpla
¼ kilo atay ng baboy
¼ kilo hipon, nilaga, binalatan, at hinati sa gitna
3 buong itlog, nilaga at hiniwa
½ tasa piniritong bawang
½ tasa tinadtad na sibuyas na mura
½ tasa dinurog na sitsaron

Paraan ng pagluto[baguhin]

Noodles[baguhin]

  1. Paghaluin lahat ng sangkap para sa noodles.
  2. Masahin hanggang kuminis.
  3. Padaanan ng rolling pin hanggang manipis na manipis.
  4. Idaan sa pasta machine.
  5. Putulin ng manipis at makitid.
  6. Ihulog sa kumukulong tubig na inasinan at lutuin hanggang lumambot.

Sabaw at ibang sangkap[baguhin]

  1. Pakuluan sa tubig ang tadyang, buto-buto, pigi at atay hanggang lumambot.
  2. Hanguin ang mga laman at hayaan pang kumulo ang sabaw.
  3. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  4. Hiwain ang pigi at atay sa makikitid na piraso.

Paghahanda[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, maglagay ng noodles.
  2. Paibabawan ng hiniwang karne, atay, hipon, itlog, bawang, sibuyas na mura at sitsaron.
  3. Ibuhos ang sabaw.
  4. Ihaing mainit na mainit.