Banana Cream Pie

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

Crust[baguhin]

1 ½ tasa Durog na Graham crackers
½ tasa Tinunaw na manikilya
2 kutsara asukal

Custard[baguhin]

¼ tasa asukal
3 kutsara cornstarch
1 ½ tasa evaporada
2 piraso Itlog (batihin)
1 kutsara mantikilya
½ kutsarita vanilla
3 piraso hinog na saging lakatan

Pang-ibabaw[baguhin]

1 tasa All-purpose cream
2 kutsara Confectioner sugar

Paraan ng Paghahanda[baguhin]

Crust[baguhin]

  1. Paghaluin lahat ng mga sangkap para sa crist.
  2. Idiin sa ilalim at mga gilid ng 9-inch na pie plate.
  3. Palamigin ng 30 minuto sa ref,

Paraan ng Pagluluto[baguhin]

Custard[baguhin]

  1. Pagsamahin ang asukal at cornstarch sa double broiler.
  2. Idagdag ang gatas.
  3. Lutuin hanggang lumapot.
  4. Magsalin ng kaunti sa binating pula ng itlog.
  5. Haluin at pagkatapos ay ibalik sa lutuan.
  6. Palaputin habang tuluyang hinahalo.
  7. Idagdag ang mantikilya at vanilla.
  8. Balatan ang mga saging at hiwain.
  9. Iayos ito sa crust paikot na patong-patong.

Pang-ibabaw[baguhin]

  1. Ibuhos ang Custard.
  2. Itabi.
  3. Batihin ang cream hanggang lumapot.
  4. Idagdag ang asukal.
  5. Takpan ng cream ang pie.
  6. Palamigin bago ihain.