Baked Ziti

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 kutsara olive oil
2 kutsara sibuyas, hiniwa nang pino
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso carrot, hiniwa nang pakuwadrado
4 tali maanghang na Italian sausage (o matamis kung gusto)
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
1 kutsarita oreganong tuyo
¼ tasa sariwang parsley, hiniwa nang maliliit
½ tasa red wine
14 onsa kamatis, hiniwa nang maliliit
¼ kilo Ziti pasta
tasa tuyong Mozzarella o Fontina Cheese, hiniwa nang pakwadrado
3 onsa Parmesan cheese, bagong kudkod
3 binating itlog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Hiwain ng ½ pulgada pabilog ang sausage.
  2. Lutuing mabuti.
  3. Hanguin at itabi.
  4. Igisa ang mga gulay hanggang lumambot.
  5. Idagdag ang mga gulay hanggang lumambot.
  6. Idagdag ang alak at lutuin hanggang halos matuyo na ito.
  7. Idagdag ang kamatis, asin, paminta, oregano, parsley, at sausage.
  8. Paigahin ng 60 minuto hanggang lumampot.
  9. Samantala, lutuin ang pasta hanggang maging al dente.
  10. Salain ang pasta, ilagay ang pasta, at haluing mabuti.
  11. Sa isang lalagyang ovenproof na pinahiran ng butter, maglagay ng ⅓ ng pasta, at budburan ng mozzarella o fontina cheese.
  12. Ilagay muli sa ibabaw ang natitira pang pasta saka budburan ng cheese.
  13. Ibuhos sa ibabaw ng pasta ang binating itlog saka budburan ng parmesan cheese.
  14. Lutuin sa oven na pinainit hanggang 400°F.
  15. Palamigin ng 5 minuto bago ihain.