Baked Macaroni

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 400-gramo pakete ng macaroni

Karneng Palaman[baguhin]

¼ tasa mantika
4 butil bawang, tinadtad
1 piraso maliit na sibuyas, tinadtad
1 piraso siling berde, hiniwang pakuwadrado
½ kilo giniling na karne ng baka
¼ kilo Sweet Ham, hiniwang pakuwadrado
2 tasa tomato sauce
2 kutsara ketsup
2 piraso laurel
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta

Bechamel Sauce[baguhin]

½ tasa mantikilya
4 kutsara arina
1 lata gatas ebaporada
tasa sabaw ng manok
1 lata cream of mushroom soup

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluin ang macaroni ng ayon sa nakasukat sa pakete.
  2. Patuluin.
  3. Sa isang kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Idagdag ang sili at lutuin hanggang lumambot.
  5. Idagdag ang giniling at ham.
  6. Papulahin at pagkatapos ay ibuhos ang tomato sauce, ketsup, laurel, at pantimpla.
  7. Pakuluin at hinaan ang apoy.
  8. Lutuin hanggang lumapot ang sarsa.
  9. Ihalo ito sa nalutong macaroni.
  10. Isalin sa pang-hurnong lalagyan.
  11. Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at idagdag ang arina.
  12. Lutuin ng sandali at saka ibuhos ang gatas, sabaw at cream of mushroom soup.
  13. Palaputin.
  14. Ibuhos sa ibabaw ng macaroni.
  15. Hurnuhin sa oven na pinainit sa 350°F.
  16. Lutuin ng 20 o 30 minuto o hanggang matunaw ang keso at uminit ang macaroni.