Arroz Ala Filipina

Mula sa Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 tasa malagkit, niluto
1 tasa kanin, niluto
1 piraso maliit na manok, hiniwa
3 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas, hiniwa
3 piraso kamatis, hiniwa
4 kutsara mantika
3 piraso siling berde at pula, hiniwa ng pahaba
1 maliit na kahon pasas
1 buo nilagang itlog, hiniwa
atsuwete, ibinabad sa ⅓ tasa ng tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at manok. Takpan.
  2. Kung namumula ang manok at lagyan ng tubig at lutuin hanggang sa lumambot.
  3. Pagkaraa’y idagdag ang sili at lutuin ng ilang minuto.
  4. Idagdag ang tubig ng atsuweteng pangkulay.
  5. Isunod ang kanin, malagkit at pasas.
  6. Haluin paminsan-minsan ang niluluto upang huwag manikit.
  7. Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang init.
  8. Timplahan ng asin.
  9. Palamutian ng itlog at siling pula at berde.