Yema
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
[baguhin] Pangunahing sangkap
| 1 | tasa | gatas na kondensada |
| 5 | buong | pula ng itlog |
| ⅓ | tasa | niligis (pinalambot sa pamamagitan ng pagdurog o pagpirat) na patatas |
| 1 | kutsara | vanilla |
| 1 | kutsara | mantikilya |
[baguhin] Arnibal (caramel)
| 1 | tasa | asukal |
| ½ | tasa | tubig |
| ¼ | kutsarita | cream of tartar |
[baguhin] Paraan ng pagluto
[baguhin] Para sa pangunahing sangkap
- Paghaluin sa isang double boiler ang mga sangkap ng yema.
- Lutuin hanggang lumapot at kumalat hanggang tuluyang hinahalo.
- Palamigin.
- Hulmahin ang bawat 1 kutsarang batter ng yema na pa-pyramid.
- Itabi.
[baguhin] Para sa arnibal (caramel) at paghanda
- Sa maliit na kaserola, pagsamahin ang mga sangkap.
- Pakuluin hanggang maging kulay caramel.
- Tusukin ng toothpick ang bawat yema at ihulog sa arnibal hanggang manikit.
- Patuluin sa wire rack na hiwa-hiwalay.
- Palamigin.
- Ibalot sa cellophane.