Uri ng panlapi

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

May ibat’ibang uri ng mga panlapi.

a. Unlapi – ang unlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat. Mga halimbawa:

   mahusay
   palabiro
   tag-ulan
   umasa
   makatao
   may-ari

b. Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -um- Mga halimbawa:

   lumakad
   pumunta
   binasa
   sumamba
   tinalon
   sinagot

c. Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -in, at –hin. Mga halimbawa:

   talaan
   batuhan
   sulatan
   aralin
   punahin
   habulin

d. Kabilaan - ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito’y maaaring:

1. Unlapi at Gitlapi Mga Halimbawa:

   isinulat
   itinuro
   iminungkahi
   ibinigay

2. Unlapi at Hulapi Mga Halimbawa:

   nagkwentuhan
   palaisdaan
   kasabihan
   matulungin

3. Gitlapi a Hulapi Mga Halimbawa:

   sinamahan
   pinuntahan
   tinandaan
   hinangaan

e. Laguhan - ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi, gitlapi, at hulapi. Mga halimbawa: pinagsumikapan nagsinampalukan


.. ako gumawa nyan pero kaya lng kulang yan ng dalawa.. di ko lng alam.. sorry.. pero sana makatulong.. ^^