Tinapang Bangus
Mula sa Wikibooks
| 2 |
katamtamang laki |
bangus, nilinis |
| 4 |
kutsarita |
asin |
| 2 |
kutsara |
katas ng kalamansi |
| 1 |
piraso |
tea bag |
| 2 |
kutsara |
bigas |
| 2 |
kutsara |
asukal na pula |
| 1 |
tasa |
mantika |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Hiwain sa likod o pandaing ang bangus.
- Huwag kaliskisan ang isda.
- Asinan at pahiran ng kalamansi.
- Pasingawan ng 20 minuto o hanggang maluto.
- Palamigin.
- Maghanda ng malaking kaserola.
- Sapinan ang ilalim ng aluminum foil.
- Ilagay ang tsaa na laman ng tea bag, bigas at asukal.
- Maglagay ng rack o butas-butas na patungan.
- Iayos dito ang bangus.
- Takpan ang kaserola.
- Isalang ng 10 minuto o hanggang mag-amoy at magkulay ang isda.
- Pahiran ng kaunting mantika ang balat ng isda para makintab.