Tagalog/Talata

Mula sa Wikibooks

Mga nilalaman

Ang Talata ay lipon ng mga pangungusap na magkaugnay at may isang kaisipan. Ang unang salita nito ay isinusulat na papasok. Ito ay tinatawag na paragraph sa wikang Ingles.

[baguhin] Bahagi ng Talata

[baguhin] Panimulang Pangungusap

Ito ay nagsasaad ng paksa ng talata, tumatawag pansin at nagpapahiwatig sa mambabasa kung ano ang malalaman niya sa susunod na pangungusap.

[baguhin] Gitnang Pangungusap

Ito ay kasunod ng panimulang pangungusap. Isinasaad nito ang mga detalye at mga pangyayari sa talata.

[baguhin] Pangwakas na Pangungusap

Ito ang nagsasaad ng huling detalye sa talata, buod ng talata at maging damdamin ng sumulat.

[baguhin] Uri ng Talata

[baguhin] Talatang Nagsasalaysay

Ito ay uri ng talata na nagsasalaysay o nagkukuwento. Binubuo ito ng magkaugnay na pangungusap na wasto ang pagkakasunod-sunod.

[baguhin] Talatang Naglalarawan

Binubuo ito ng magkakaugnay na pangungusap na naglalarawan tungkol sa tao, hayop, bagay o lugar.

Mga kagamitang pansarili