Tagalog/Pang-uri
Mula sa Wikibooks
|
Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.
[baguhin] Uri ng Pang-uri
[baguhin] Panlarawan
Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o panghalip.
-
- Halimbawa:
-
- malapalasyong bahay nakatira sina Don Fernando at ang anak nyang si Senyorita Mabelle.
- pulang mansanas ang kinakain ni Pedro.
- bilugang mukha meron si Anna.
- matayog na pangarap ang gusto ng Ina.
- matuling kabayo ang hawak nya.
- mainit na panahon ang nararamdaman ni Juan.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pamilang
Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.
-
- Halimbawa:
-
- marami
- kaunti
-
- Halimbawa:
[baguhin] Patakaran o Kardinal
- Ito ay gamit sa bilang o dami
- Halimbawa:
- lima, anim, sandaan, sanlibo
- Halimbawa:
[baguhin] Panunuran
- Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng bilang.
- Halimbawa:
- una, ikalima/ika-5, pangalawa, ikasiyam/ika-9
- Halimbawa:
[baguhin] Pamahagi
Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.
-
- Halimbawa:
-
- kalahati (½)
- bahagdan (1/100)
- kaapat (¼)
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pamilang
Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.
-
- Halimbawa:
-
- tig-apat na piso
- tig-aanim na mansanas
-
- Halimbawa:
[baguhin] Palansak
Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.
-
- Halimbawa:
-
- dala-dalawang bata
- pito-pitong dahon
-
- Halimbawa:
[baguhin] Kailanan ng Pang-uri
[baguhin] Isahan
Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.
-
- Halimbawa:
-
- Kaibigan ko siya.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Dalawahan
Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.
-
- Halimbawa:
-
- Magkasimpangit ang magkaibigan.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Maramihan
Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.
-
- Halimbawa:
-
- Magkakaibigan silang tatlo.
- Magkakasimbilis sila sa pagtakbo.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Kayarian ng Pang-uri
[baguhin] Payak
Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat.
-
- Halimbawa:
-
- basang trapo
- sariwang gatas
- puting sapin
-
- Halimbawa:
[baguhin] Maylapi
Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa.
-
- Halimbawa:
-
- masikip na daan
- makataong asal
-
- Halimbawa:
[baguhin] Inuulit
Ito ay ang pang-uri ay inuulit bilang pagbigay diin.
-
- Halimbawa:
-
- libu-libong salapi
- sabi-sabi ng mga tao
-
- Halimbawa:
[baguhin] Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salita.
-
- Halimbawa:
-
- balat-sibuyas
- kapit-tuko
- tulog-mantika
-
- Halimbawa:
[baguhin] Kaantasan ng Pang-uri
[baguhin] Lantay
Ito ay kung tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tinuturingan.
-
- Halimbawa:
-
- mayamang lahi
- masipag na ama
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pahambing
Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
[baguhin] Magkatulad
Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing
-
- Halimbawa:
-
- kasingpalad
- singganda
- magkasinggaling
-
- Halimbawa:
-
-
-
-
- Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisiumula sa d, l, o, r, s, t ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.
- Halimbawa:
-
- Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.
-
- Halimbawa:
- Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisiumula sa d, l, o, r, s, t ay alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.
-
-
-
-
-
-
-
- Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.
- Halimbawa:
-
- Ang kotse ni Noel ay kasimbilis ng kay Mark.
-
- Halimbawa:
- Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik n sa panlapi at palitan ng m.
-
-
-
[baguhin] Di-magkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad, gaya o kaysa.
-
- Halimbawa:
-
- Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.
-
- Halimbawa:
[baguhin] Pasukdol
Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan:
-
-
-
- Pag-uulit ng pang-uri na inuugnay ng, na at nang.
-
- Halimbawa:
-
- pabait nang pabait
- mababaw na mababaw
- pamura nang pamura
-
- Halimbawa:
-
-
-
-
-
- Paggamit ng panlaping nag, napaka, pinaka, an at han.
-
- Halimbawa:
-
- nagtataasan
- napakabait
- pinakamabait
-
- Halimbawa:
-
-
-
-
-
- Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunay.
-
- Halimbawa:
-
- masyadong malaki
- lubhang mainit
- talagang mabait
-
- Halimbawa:
-
-
-
-
-
- Paggamit ng mga pariralang: ubod ng, reyna ng, at hari ng
-
-
-
- hari ng yabang
- ubod ng sipag
- reyna ng kagandahan
-
-
-
-
|
|
|
|
|
|
|
|