Pumunta sa nilalaman

Tagalog/Pang-abay

Mula Wikibooks

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Ang pang-abay ay may 17 uri: 🤫

  1. Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan
  2. Panlunan - nagsasaad ng pook o na pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan.
  3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa.
  4. Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
  5. Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na hambingan ng pang-uri.
  6. Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
  7. Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
  8. Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
  9. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
  10. Panunuran - tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
  11. Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
  12. Panturing - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob
  13. Kawsatibo - nagsasaad ng dahilan, binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula sa dahil sa, sapagkat atbp.
  14. Kundisyunal - nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa.
  15. Benepaktibo - nagsasaad ng kagalingang dulot para sa isang tao, tagatanggap ng kilos.
  16. Pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.
  17. Inklitik - binabago ang orihinal na diwa ng isang pangungusap.