Szechwan Chicken Breasts

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kutsara tinadtad na luya
2 kutsara honey
¼ tasa tinadtad na leeks
¼ tasa toyo
1 kutsara dinurog na pamintang buo
1 kutsara asin
10 piraso pitso ng manok (tanggalin ang balat at buto at hatiin sa dalawa)
3 tasa mantika pamprito

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Sa isang mangkok, paghaluin ang luya, honey, leeks, toyo, paminta at asin.
  2. Ibabad dito ang pitso ng manok.
  3. Takpan at itabi ng magdamag sa repridyerator.
  4. Ihawin o prituhin sa mantika.