Suman sa Ibus
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 3 | tasa | bigas na malagkit |
| 2 | kutsara | asin |
| 2 | tasa | kakang gata |
| 1 | tasa | murang dahon ng niyog o buli |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Ibabad ang malagkit sa tubig nang 1 oras.
- Patuluin.
- Ihalo ang asin at gata.
- Ihanda ang ibus at punuin ng malagkit.
- Isara at pagtali-taliin.
- Iayos ang mga suman sa kaserola at takpan ng tubig.
- Pakuluan nang 2 oras o hanggang maluto.
- Ihaing may kasamang asukal at hinog na mangga.