Sopas na Makaroni

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 ½ tasa shell macaroni
1 kutsara mantika
2 butil bawang, tinadtad
½ piraso sibuyas, tinadtad
½ tasa hinimay na nilagang manok
2 kutsara patis pantimpla
6 tasa sabaw ng manok

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kaserola.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas,
  3. Isama ang manok o karne.
  4. Timplahan ng patis.
  5. Ibuhos ang sabaw at hayaang kumulo.
  6. Ilagay ang macaroni.
  7. Lutuin hanggang lumambot ng hindi natutuyuan.
  8. Kung kinakailangan ay magdagdag ng tubig o sabaw.