Sopas na Kalabasa
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| 3 | tasa | kinuadradong gayat na kalabasa |
| 1 | katamtamang laki | ng sibuyas, tinadtad |
| 2 | butil | bawang, pinitpit |
| 2 | buo | kamatis na tinadtad |
| 1 | tasa | gatas |
| 1 | tasa | ginayat na siling pula at berde, kudrado |
| 1 | kutsarita | asin |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis.
- Saka ilagay ang ginayat na kinuadradong kalabasa.
- Lagyan ng tubig at saka bayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.
- Para sumarap ang lasa palaputin sa gatas. Ihain ng mainit.